BINISITA ni Senator Robin-Padilla ang evacuation center sa Albay dahil sa patuloy pa ring pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Kasama niyang bumisita sa Albay ang misis na si Mariel Rodriguez-Padilla.
Hinarana ng senador ang mga mamamayan na nasa evacuation center ng kantang “Wonderful Tonight.”
Ang naturang kanta ang laging inaawit noon ng aktor habang nangangampanya bilang senador noong 2022.
“Hindi kayo pababayaan ng gobyerno lalo ng DSWD. Nandiyan sila para arugain kayo. Pero sana sa pagkakataong ito mag balik loob tayo sa Panginoong Diyos,” pahaag ni Binoe sa evacuees.














