Latest News

Makikita sa larawan si (kanan) Manila Muslim Affairs Director Shey Sakaluran Mohammad kasama sina (ikalawa at ikatlo mula kaliwa) Vice Mayor Yul Servo at Sen. Francis Tolentino. (JERRY S. TAN)

SEN. TOLENTINO, MMA DIREKTOR MOHAMMAD, NAMIGAY NG BIGAS SA MGA MUSLIM SA MAYNILA

By: Jerry S. Tan

Namahagi ng bigas ang tanggapan ni Senator Francis “Tol” Tolentino sa mga kababayang Muslim sa Maynila.

Ang nasabing pamamahagi ay isinagawa sa Barangay 649, Baseco, Manila nitong araw ng Sabado, March 9, 2024, bago ang nalalapit na pagdiriwang ng ‘Holy month of Ramadan’.

Katuwang sa pamamahagi ng bigas sa higit 500 pamilyang benepisyaryo ang tanggapan ng Manila Muslim Affairs sa pangunguna ni Director Shey Sakaluran Mohammad.


Sinaksihan ito nina Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto at Councilor Nikko Atienza na kumakatawan kay Chi Atienza ng ika-limang distrito ng lungsod.


Tags: Senator Francis "Tol" Tolentino

You May Also Like

Most Read