Latest News

Sen. Revilla pinamamadali ang pagpasa ng Waste-to-Energy Bill

Ni MARK ALFONSO

PINAMAMADALI ni Senador Ramon β€œBong” Revilla, Jr., ang pagpasa ng Waste-to-Energy Bill.


“Don’t waste time in passing the Waste-to-Energy Bill,” ani Revilla.

Ito ay makaraang isponsoran na sa plenaryo ang Senate Bill No. 2267 sa ilalim ng Committee Report No. 91 na naglalayong maisagawa ang polisiya at regulatory framework para sa waste-to energy (WTE) technologies.

Si Revilla ang principal author ng Senate Bill No. 989 na isa sa mga panukala na kabilang sa iniulat na consolidated bill nina Sen. Raffy Tulfo na siyang chairman ng Committee on Energy.


Sina Senador Gatchalian, Tolentino, Tulfo at Senate President Zubiri ay kapwa nagsumite rin ng kani-kaniyang bersyon ng panukala.

Inihirit ni Revilla ang kahalagahan ng pagpasa ng naturang panukala ay makatutulong na maresolba ang lumalagong problema ng waste pollution sa bansa na nagiging banta lalo na sa panahon ng tag-ulan.


Sa kabila na marami na ring naipasa at pinapatupad na batas patungkol sa pagresolba sa problema ng basura kagaya ng RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at RA 11898 o ang Extended Producer Responsibility Act of 2022, sinabi ni Revilla na tambak at patuloy pa rin dumarami ang basura.

Batay sa pag-aaral Science Advances journal, ang Pilipinas ang nangunguna sa listahan ng mga bansang tila gabundok na ang nakakalat na plastic sa karagatan.


Sa ulat naman ng United Nations Environment Programme (UNEP) noong 2018, halos nasa kalahati ng plastic waste na humantong sa karagatan ay mula sa mga bansang China, Indonesia, Philippines, Thailand at Vietnam.

“Nakakapanlumong malaman na isa tayo sa mga bansang may pinakamaraming basura na dumurungis sa ating kapaligiran at nagdudulot ng kapahamakan sa taumbayan. We are among the top contributors of plastic waste worldwide,” saad ni Revilla.

“Isang malungkot na katotohonan lalo’t alam natin na kadalasan, ang pinaka-apektado ng masasamang dulot nito ay ang mga mahihirap nating kababayan,” pagtatapos ng senador.



Tags: Jr., Senador Ramon β€œBong” Revilla

You May Also Like

Latest News