SEN. POE: LUMUNOK NG DOLYAR, MAY MGA KASABWAT

By: MARK ALFONSO

NANINIWALA si Senador Grace Poe na posibleng ang nakita sa closed-circuit television (CCTV) recording sa NAIA Terminal 1 na nakita ang isang OTS personnel na nilulunok ang tatlong tig-$100 dolyar ay hindi ang buong kwento dahil may mga ulat na nagsasabing inutusan ang lady screener.


“Maaaring ang nakita sa CCTV ay hindi ang buong kwento. May mga report pa na nagsasabing inutusan ang OTS personnel na gawin ito para hindi mahuli. Ibig sabihin, may mga kasabwat pa ito,” wika ni Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services.

“Nakakagalit at nakakahiya ang pangyayaring ito. Parang hindi nauubusan ng gimik ang mga kawatan sa airport,” pahayag ni Poe.

Nabatid na ang nilulunok na tatlong tig-$100 dolyar ay kinuha umano sa wallet ng isang paalis na Chinese passenger sa final security checkpoint noong Setyembre 8, 2023.


Binigyang-diin ng senadora na na dapat i-screen mabuti ang mga aplikante upang matukoy ang kanilang kuwalipikasyon gayundin ang pagsuri sa kanilang performance.

“The airport leadership should immediately investigate, file cases and fire employees found involved in criminal activities. Those who violate the law must be punished at once,” diin ni Poe.


Tags: Senador Grace Poe

You May Also Like