Sa gitna ng inaasahang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, nagpahayag ng kumpiyansa si Senator Erwin Tulfo na walang magiging palitan ng liderato sa Senado.
Ayon kay Tulfo, naniniwala siya na mananatili ang suporta ng mayorya ng mga Senador kay Senate President Tito Sotto,.
“I don’t think so,” ani Tulfo, nang kanyang blangkahin ang mga tsismis ng posibleng ‘coup’ sa Senado.
Aniya, hindi makakakuha ng sapat na boto upang magkaroon ng palitan ng liderato sa Senado at dapat umanong ituon ng Senado ang atensiyon nito sa legislative duties at paparating na impeachment trial, sa halip na ‘coup’ sa Senado.














