Sina Sen. Erwin Tulfo at Ukrainian Ambassador to the Philippines Yuliia Fediv sa isang pagpupulong kamakailan lamang.

SEN. ERWIN TULFO, NAKIPAGPULONG SA ENVOY NG UKRAINE, KALIGTASAN NG PINOY PRISONER OF WAR DOON, TINIYAK

By: Jerry S. Tan

ISANG pagpupulong ang isinaga ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman, Sen. Erwin Tulfo kasama si Ukrainian Ambassador to the Philippines Yuliia Fediv, kung saan tinalakay ang kaso ni Raymon Santos Gumangan, isang Filipino prisoner of war (POW) sa nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Hinimok ni Tulfo ang embahador na payagang makausap ni Gumangan ang pamilya nitong naiwan sa Pilipinas at matiyak ang kaligtasan niya sa gitna ng mga kaguluhan at sinabi naman ni Ambassador Fediv na tutulong siya upang makausap ni Gumangan ang pamilya nito.


Gayunman, nilinaw ni Fediv na na maaaring hindi maging mabilis ang pagpapalaya kay Gumanngan dahil sa kakulangan ng special trade agreement sa pagitan ng Ukraine at Pilipinas para sa mga ganitong uri ng kaso.

Kaugnay niyan ay nangako si Sen. Tulfo na makikipag-ugnayan siya sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang isapinal ang mga joint agreements para sa mga kasong tulad ng kay Gumangan at iba pang Pilipino sa mga “conflict zones”.

Nababahaka din umano si Tulfo, na Chairman din ng Senate Foreign Relations Panel, para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga vessels na maaaring maging target ng militar sa gitna ng digmaan.


Aniya, “Titiyakin ko na mananatiling bukas ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng Pilipinas at Ukraine upang maging updated tayo sa kaligtasan ng ating mga kababayan doon.”

Si Gumangan, na tubong Alcala, Pangasinan, ay naiulat na na-recruit bilang logistics personnel sa Russia sa pamamagitan ng isang online job-hunting platform ngunit kalaunan ay napunta ito sa militar at nadakip ng mga puwersa ng Ukraine noong Setyembre 2025. Mula nang pumutok ang digmaang Ukraine-Russia noong 2022, sinuspinde na ng DFA ang pagpapadala ng mga Pilipino sa Ukraine sa ilalim ng Alert Level 4.




Ayon naman kay Ambassador Fediv, kasalukuyan nang inihahanda ang isang joint labor agreement kasama ang Pilipinas: “It translates to more job for our workers, its like we are helping you and you are helping us.”

Simula nang maitalaga bilang Chairman ng Senate Foreign Relations, patuloy ang pakikipagpulong ni Tulfo sa mga diplomat at pakikipag-ugnayan sa DFA para sa mga usaping may kinalaman sa international agreements at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa.


Tags: Sen. Erwin Tulfo

You May Also Like