Nagpahayag ng pag-asa si Sen. Erwin Tulfo na may tatanggap pa din ng Blue Ribbon Committee mula sa hanay ng kanyang mga kasamahan sa Senado.

SEN. ERWIN, TATANGGAPIN ANG BRC CHAIRMANSHIP “IF PUSH COMES TO SHOVE’, NAASA PA DIN NA MAY KUKUHA NG POSISYON

By: Jerry S. Tan

SINABI ni Senator Erwin Tulfo na malamang na kunin na lamang niya ang Blue Ribbon Committee chairmanship kapag wala talagang ‘takers,’ bagamat nagpahayag ito ng paniniwala na may mas beteranong kasamahan na ‘willing’ punan ang nabakanteng puwesto ng nag-resign na committee chair na si Sen. Panfilo Lacson.

“Sabi ko medyo mabigat po na responsibilidad dyan. Sabi ko for now, sabi ko okay lang maging acting chairman tayo habang wala pa kayong napipili. I’m sure, marami namang mas magagaling pa diyan at mga veterano na mga senador,” ani Tulfo, kaugnay ng naging pag-uusap nila ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.


Ayon kay Tulfo, naatasan siyang mag-take over bilang acting chair dahil siya ang Vice Chairman ng BRC, subalit handa umano siyang magbigay-daan kung may mapipili nang iba.

“Alam ko pong [may] mas magagaling syempre. ‘Yung experienced, mula years of experience. I’ll leave it to the Senate leadership…sanay naman din tayo, as a media man ho. So we can, kung talagang push comes to shove, wala na po talaga mapili, siguro I’ll take po the job. Kasi hindi po pwedeng walang kukuha ng trabaho,” ani Tulfo.

Maaring magtuloy umano ang mga pagdinig anumang araw mula October 20 to 23, kung saan balak umano nilang imbitahan ang Bureau of Internal Revenue (BIR). Kelan lang ay ibinunyag ng BIR na P1.7 billion na buwis ang di nabayaran ng mga Discaya pa lamang. Marami pang ibang indibidwal ang sinasabing sangkot sa multi-billion anomalous flood control projects.

Kelan lang ay nagmungkahi si Tulfo ng one-month tax break sa mga manggagawa sa ilalim ng Senate Bill No. (SBN) 1446, o ‘One-Month Tax Holiday of 2025,’ kung saan sinabi niya na kailangan ang isang “far, extraordinary and immediate form of relief” n magbabalik ng mga benepisyo direkta sa mga tao, lalo na sa working population, sa gitna ng panawagang ibalik ang pera nila dahil sa flood control projects scam.

Mabilis niyang idinagdag na hindi kasama sa mungkahi ang malalaking contractors at iba pang kagaya nito: “Hindi naman tayo papayag niyan. Kumikita na sila nang malaki tapos exempted pa po sila sa buwis. Huwag naman ho. I mean, pang-aabuso na, panlalamang na. Ayan na nga, tapos, hindi pa napunta sa proyekto yung pera. Tapos, wala pa silang tax. Napakaswerte naman. Talaga, parang sila mga anak ng Diyos.”


Tags: Sen. Erwin Tulfo

You May Also Like