Latest News

Nagpahayag si Sen. Erwin Tulfo ng pag-asa na mahimasmasan at makapag-isip nang maige ang mga kasamahan sa mayorya.

SEN. ERWIN SA ILANG MAJORITY BLOC: SANA MAHIMASMASAN SILA

By: Itchie G. Cabayan

Nagpahayag si Sen. Erwin Tulfo ng pag-asa na ang mga kaganapan kamakailan na nakasira sa imahe ng Senado ay magpapabago sa isipan at puso ng ilang kasamahang nasa majority bloc upang makipagtulungan sa minorya na maibalik ang dating respeto sa Senado at makapagpasa ng mga batas na pakikinabangan ng mga Pilipino sa gitna ng hirap at krisis, sa halip na nasasayang ang panahon ng institusyon sa pagtutulak ng mga hakbangin na ang makikinabang ay ilang Senador lamang.


“I hope and fervently pray that with what happened, sana mahimasmasan ang mga kasama namin doon to probably think again where they stand,” ani Tulfo, na pinatutungkulan ang pagtatangka ng ilang majority Senators na ipilit na amyendahan ang umiiral na rules upang payagan ang mga Senador na makaboto at makalahok sa mga aktibidad sa pamamagitan lamang ng teleconferencing oo kahit na wala silang ‘physical presence’ sa session hall.

“If they really believe in democracy, the integrity of the Senate, if they really love to work for the people, then I guess they should leave that group (majority) and join us (minority). We have no power to force them. It’s entirely up to them. Maybe three or four of them there may have thought things over,” dagdag pa ni Tulfo.

Sa dami ng mga kaganapan sa Senado mula nang maupo si Senator Alan Peter Cayetano bilang Senate President, nagpahayag ng paniniwala si Tulfo na magkakaroon ng katanungan sa puso at isipan ng ilan sa majority gaya ng, ” Am I in the right place? Am i doing the right thing? Because forcing a revision of rules in the Senate is certainly not for the benefit of the public. It is wrong and will only benefit a few.”


Binigyang-diin din ni Tulfo na ipagpalagay man na tanggapin ng minorya ang bagong rule at ang mga Senador na maaaresto ay makikinabang dito balang araw, nasisiguro umano niya na ang National Bilibid Prisons ay hindi pinapayagan ang mga persons deprived of liberty (PDLs) na magkaroon ng cellphones o video cams o makagamit ng internet.

Upang payagan ang mga Senador na makapag-‘live’, kakailanganin umanong baguhin ng NBP ang mga pinaiiral nitong alituntunin.




“What about the ordinary PDLs who are not Senators? Di sila pwede mag-online kasi di sila Senador? So you are special dahil ‘yan ang rules of the Senate? Fair is fair,” ani Tulfo.

Ikinalulngkot umano ni Tulfo na sa loob ng mga nakalipas na linggo, ang Senadoay naging abala sa mga isyu ukol kay Sen. Bato dela Rosa, ICC, barilan sa Senate building at iba pang kaugnay na paksa, sa halip na pagbalangkas ng mga batas na para sa kapakinabangan ng mas nakararaming Pilipino at taxpayers na siyang nagpapasahod sa mga Senador at iniluklok upang tulungan silang umangat ang kabuhayan.


Tags: Sen. Erwin Tulfo

You May Also Like

Most Read