Pinayagan ng Muntinlupa City Regional Trial Court si dating Senator Leila de Lima na maglagak ng piyansa sa kanyang huling natitirang kasong kriminal na nag-uugnay sa kanya sa iligal na ‘drug trade’.
Nabatid kay Boni Tacarardon,abogado ni De Lima, na pinayagan ni Branch 206 Presiding Judge Gener Gito.ang ‘motion for reconsideration’ sa plea nito na makapagpiyansa.
Napag-alaman sa kampo ni De Lima n naghahabol ito ng cut-off para makapag-piyansa.
Nalaman na hinawakan ni Judge Gito ,ang kaso ni De Lima matapos na mag-inhibit si Branch 204 Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara.
Samantala, nagpahayag naman ng concern ang Department of Justice sa ginawang acquittal ni Judge Alcantara kay De Lima sa Criminal Case No. 17-165, dahil sa posibleng magkaroon ng impact sa paghawak sa kanyang nagpapatuloy na kaso.
Si De Lima ay nakulong ng mahigit sa anim na taon.














