By: JANTZEN ALVIN
SI Senator Edgardo Angara na ang magiging bagong Department of Education Secretary, kapalit ng nagbitaw na si Vice President Sara Duterte.
Inanunsiyo ito ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marscos, Jr. sa 17th Cabinet Meeting sa Malacanang, kung saan sinabi niya na pumayag na ang Senador at tinanggap na ang nasabing posisyon.
Si Angara ang hahalili kay VP Duterte matapos itong magbitiw bilang Education Secretary noong Hunyo 19, 2024. Ang kanyang resignation ay magiging epektibo sa Hulyo 19..
Ang senador ay may Master of Laws mula sa Harvard University, Bachelor of Laws mula sa Unibersidad ng Pilipinas at Bachelor of Science in Economics sa London School of Economics.
Ayon kay Pangulong Marcos, “Ang DepEd ay masasabing ang pinakamahalagang departamento dahil sa napakahalagang papel ng edukasyon.”