Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act Nilagdaan ni PBBM

By: Victor Baldemor Ruiz

Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos , Jr. ang Bill no. 2455 o ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act, isang batas na magpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa credible defense ng Pilipinas.

Sa ilalim ng Republic Act 12024, isinusulong ang pagbuo ng isang national defense industry at pagkakaroon ng sapat na defense assets at hardware sa bansa sa pamamagitan ng domestic production at manufacturing.


Posible rin umanong lumikha ito ng libo-libong trabaho para sa mga Filipino.

Layon din ng batas na magkaroon ng preference o pagpili sa Filipino-owned enterprises para sa development, produksyon o servicing ng mga materyales para sa military technology, weapons systems, armas, ammunition, combat clothing, armor, vehicles at iba pang military equipment.

Makatutulong din para maging self reliant at mabawasan ang pagiging dependent ng bansa sa foreign suppliers at lumikha ng trabaho para sa mga Pilipino.


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos

You May Also Like