HINDI inaalis ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng pagplanuhan din na tuluyang patahimikin ang self-confessed gunman ng radio journalist na si Percy Lapid at sinasabing isa pang middleman sa kontratang paglikida sa hard hitting commentator kamakailan .
Dahilan upang ipag utos ni Interior and Local Government Secretary ‘Benhur’ Abalos sa Philippine National Police (PNP) na higpitan pa ang security measures para sa kaligtasan ni Joel Escoria ang sumukong gunman ng radio journalist na si Percy Lapid.
Itoy kasunod ng biglaang pagkamatay ng middleman o contact ng gunman sa loob ng National Bilibid Prison ilang oras matapos na sumuko si Escorial noong October 18, 2022.
Na naging basehan din ni Pangulong Ferdinand BONGBONG Marcos Jr. para ipag utos sa DOJ na pansamantalang suspindihin si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag sa kanyang pwesto.
Ani Abalos, dapat higpitan ang pagbabantay kay Joel Escorial dahil ito ang susi sa pagresolba sa Percy Lapid killing.
Nauna nang ipinahayag ng kalihim na dismayado ang ahensya sa sinapit ng middleman dahil nasayang ang lahat ng pinaghirapan ng PNP sa pag-iimbestiga sa kasong ito.
Samantala, inihayag naman ng Bureau of Corrections (BuCor) na kanilang pinangangalagaan ngayon ang kaligtasan ng isang Jun Globa Villamor na pinsan umano ng namatay na middleman na si Crisanto Villamor, Jr
“Well, when the information came, sinecure naman natin lahat ng Villamor,” ani BuCor spokesperson Gabriel Chaclag. “So in coordination with the PNP, yung Jose Villamor ay secured po ‘yun.”
Samantala, inihayag naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kahapon na secured na rin ang isang Christopher Bacoto, na umanoy isa pang middleman sa Lapid’s slay case.
Ayon kay Roy Mabasa sa isang panayam lumilitaw na namatay ang suspected middleman Crisanto Villamor, Jr., apat na oras matapos na magsalita si Joel Escorial.
“Nagkaroon na tayo ng kutob na mangyayari ito dahil alam mo naman sa loob ng Bureau of Corrections na yan ilan ang namatay diyan ng COVID na mga high-profile na inmates. Hindi pa gaanong matagal yan. Nangyari yan kalagitnaan ng 2020…Under mysterious circumstances,” ani Mabasa.
“Namatay itong tao 4 na oras matapos lumabas yung alleged gunman. Nakakapanlumo dahil alam na alam nila kung sino yung tatargetin,” he said, citing information he received.
“After po ng presscon namin sa Camp Crame alas diyes ng umaga, ito pong sinasabing kumontak po sa ating gunman ay namatay naman po ng bandang alas 3 ng hapon,” ani Brig. Gen. Kirby Kraft, chief of the Southern Police District and head of the Special Investigation Task Group Kraft sa kanyang TeleRadyo interview. (VICTOR BALDEMOR)