Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa bumisitang si US Vice President Kamala Harris na simula na ang selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas.
Sinabi ni Marcos sa ginawang courtesy call sa Malakanyang ni Harris na Setyembre pa lamang ay nagdiriwang na ng Kapaskuhan ang mga Pilipino.
“We celebrate Christmas like we invented it. We certainly own it now. We start in September,” nangingiting sabi ni Marcos.
Ang pahayag ay ginawa ni Marcos kaugnay ng tatlong araw na official visit ni Harris, na kinilala ang Pilipinas bilang mga debotong Katoliko.
Si Harris ay tubong California at ayon sa kanya, ang naturang lugar ay maraming naninirahang Pilipino.
“In the United States by last count, there are at least four million Filipino-Americans… Very good Catholics who celebrate Christmas,” dagdag ni Harris. (Jaymel Manuel)














