SELDA NI LOPEZ SA CORRECTIONAL, INIHAHANDA NA

By: Baby Cuevas

Inihayag ni BuCor Chief Gregorio Catapang, Jr.na inihahanda na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang paglalagyan kay Atty. Zuleika Lopez, Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte, sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City sa oras na matuloy ang paglilipat sa kanya.

Ang pahayag ay ginawa ni Catapang sa ginanap na culminating event sa New Bilibid Prison (NaBP) nitong Lunes.


Ayon kay Catapang, ta-tratuhin ng parehas si Lopez tulad ng ginawa kay POGO personality Cassandra Ong, na kasalukuyang naka-detine ngayon sa CIW matapos na i-contempt ng House Quad Committee.

Si Lopez ay na-contempt sa ginanap na imbestigasyon ng Kamara dahil sa alegasyon ng ‘fund misuse’ sa Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd).

Gayunman, sinabi ni Catapang na si Lopez, di tulad ni Ong na inihalo sa regular inmate, ay ilagay sa isang pribadong.kuwarto na katabi ni Ong.


Tags: Atty. Zuleika Lopez

You May Also Like