Sekyu, nagpakalunod, patay

Lumutang ang bangkay ng isang security guard na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa dagat ng Manila Bay,kamakalawa ng umaga sakop ng Malate,Maynila.

Kinilala ni PCMS Joseph Kabigting, imbestigador ng Manila Police District-homicide section,ang biktima na si David Santos,security guard,at taga 1781 Int.6 Kahilum I,Narra St.,Pandacan,Maynila.


Alas- 6:30 ng umaga nang lumutang ang biktima sa Seaside ng Manila Bay malapit sa Sky Garden,Malate,Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya,nakuha sa bag ng biktima ang isang notebook na may nakasulat na humihingi ng tawad sa kanyang asawang si Dhen.

Huli umanong nakitang buhay alas 7:48 ng gabi ang biktima na tumalon sa seaside noong Oktubre 15.


Sinabi naman ni Dhen na naghiwalay na silang mag-asawa at wala naman siyang alam na kaaway ng biktima.

Wala naman nakitang anumang sugat ang imbestigador sa katawan ng biktima. (Carl Angelo)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read