Latest News

Sekyu, kalaboso sa panunuhol ng P500

Kalaboso ang isang security guard nang tangkaing suhulan ng P500 ang isang pulis-Maynila na sumita sa kanya sa isang checkpoint at nakadiskubre na peke ang kanyang lisensiya, kahapon ng umaga sa may Nagtahan,Sta.Mesa,Maynila.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Art. 212 Corruption of Public Official at Art. 172 Falsification by Private Individual and Use of Falsified Document,ang suspek na si Ariel Aguilod , 25, security guard, at residente ng Sitio Pantayen Brgy. Dolores Taytay Rizal.

Nabatid sa reklamo ni PLt.Leonardo Roldan So,Bacood-PCP Commander, na naganap umano ang insidente alas-11 ng umaga sa harap ng Savemore sa may RM Boulevard, Nagtahan, Sta.Mesa.

Nalaman na pinara sa checkpoint ang motorsiklo ng biktima at nang hanapin ang lisensiya ay pekeng lisensiya ang iniabot ng suspek.

Tinangka umano ni Aguilod na suhulan ng P500 si So,pero sa halip na tanggapin ay inaresto ang suspek at dinala ito sa presinto.

Kabilang sa na-recover na ebidensiya laban kay Aguilod ang limang piraso ng tig-P100 bill, pekeng driver’s license at Yamaha Mio i125 na may plakang 764CMO, at isang Certificate of Registration. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read