SEGURIDAD, KAAYUSAN AT MAPAYAPANG ELEKSYON, TARGET NG COMELEC

By: Victor Baldemor Ruiz

TULOY-tuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Commission on Election sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, dalawang pangunahing deputized security force ng COMELEC sa panahon ng eleksyon, para matiyak na magiging ligtas, maayos, payapa,at credible ang gaganaping May 2025 midterm elections.

Una nang inihayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na tututukan ng komisyon ang anumang magiging banta sa kaligtasan o karahasan sa panahon ng halalan.


Ayon kay Garcia, gagawin lahat ng komisyon para maiwasan ang anumang kaguluhan kapag pumasok na ang election period.

Magugunitang hiniling ni Garcia sa PNP at AFP na wasakin ang mga hinihinalang private armed groups na minamantina ng ilang pulitiko at maimpluwensyang indibidwal, kasabay ng pagpapaigting sa kampanya ng pamahalaan kontra ‘loose or undocumented firearms ‘na maaaring magamit sa paghahasik ng karahasan.

Kaugnay nito, nanawagan din si Garcia para sa agarang pag-aresto sa mga bumaril sa vice-mayoral aspirant sa Tantangan, South Cotabato. Tiniyak ni Garcia na tututukan ng kanilang komisyon ang kasong ito.


Tags: Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia

You May Also Like

Most Read