Latest News

Seguridad, edukasyon palalakasin ng Pilipinas, Singapore

KAPWA ninanais ng mga gobyerno ng Pilipinas at Singapore na mas paghusayin pa ang bilateral relations sa larangan ng edukasyon at security and defense.

Ito ay kasama sa paksang tinalakay sa bilateral meeting sa pagitan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at ng kanyang Singaporean counterpart na si Foreign Minister Vivian Balakrishnan noong Enero 31.

“They noted the flourishing people-to-people ties between the two countries and looked forward to the restoration of travel links once the Covid-19 situation has eased. They also discussed ways to enhance existing bilateral cooperation in the areas of security and defense, and education,” ayon sa kalatas ng Singapore Ministry of Foreign Affairs.

Matatandaang, kapuwa sumang-ayon ang dalawang bansa noong nakaraang taon na paigtingin ang pagtutulungan pagdating sa “maritime domain awareness, counterterrorism, defense industry development, intelligence exchange, joint military training, and law enforcement.”

Ito, sa kanilang pagkilala na ang global at regional security issues ay nangangailangan ng pinagsama-samang pagtugon ng mga partner states.

Samantala, ukol sa travel and tourism, ang Singapore ay isa sa 157 bansa na ine-enjoy ang visa-free entry sa Pilipinas.

Base sa kamakailan lamang na anunsyo ng pamahalaan, ang mga fully vaccinated Singaporean tourists ay pinapayagan ng pumasok sa bansa simula Pebrero 10, “subject to protocols.”

Sa kabilang dako, ang dalawang top diplomats ay nagkaroon din ng “fruitful exchange of views” sa pagtataguyod ng “Association of Southeast Asian Nations (Asean) centrality, unity and credibility,” at situwasyon sa Myanmar.

Tags:

You May Also Like

Most Read