Latest News

‘Seed of Love’ ni Glaiza de Castro 3 years in the making

By: Gerry Ocampo

MASAYA si Direk Ricky Davao dahil natapos na nila ang seryeng “The Seed of Love” na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at Mike Tan, na ayon na rin kay Direk Ricky ay sobrang hirap at hinayang ang nadama nila noong maudlot ang pagte-taping nila dahil sa pandemic that time.

February 2020 ng simulan ang taping ng “The Seed of Love” na that time ay mainit na pinag-uusapan ang pagkalat ng Covid-19 sa buong mundo.

“Eto na rin finally, natuloy at natapos na rin namin ang seryeng The Seed of Love, Masasabing 3 years in the making ng serye. Year 2020 kami nagsimula at ngayon lang namin natapos,” say ni Direk Ricky.


Maging ang stars ng serye na sina Glaiza at Mike ay masayang-masaya dahil akala nila ay tuluyan nang ititigil ang serye.

“Feb, 2020 nang magsimula kami ng taping, Eleven hours ang biyahe namin papunta setting ng taping,” kuwento ni Glaiza. “That time ay pinag-uusapan namin ang pagkakasakit ng isang sikat na celebrity. March 2020 nang matigil kami sa taping dahil kalat na kalat na ang Covid.”

Akala ni Glaiza ay hindi na nila itutuloy ang serye at nang bumalik sila para magtaping ay nahirapan na raw siya sa kanyang character.

“Aaminin ko nahirapan ako sa pagbabalik ng serye dahil sa sobrang tagal ay nakalimutan ko na ang character na ginagampanan ko, salamat sa mga kasama ko at kay direk Ricky na ipadama muli ang dapat gawin sa character na ginagampanan ko,” ani Glaiza.


Dahil magaling na aktres talaga si Glaiza, hindi na nagulat ang kanyang mga co-stars sa “The Seed of Love.”

Grabe ang galing na ipinamalas niyang akting, lalo na sa confrontation scene nila ni Valerie Concepcion na mahigpit na karibal niya kay Mike.

Sa tanong kina Glaiza at Valerie kung nangyari na rin ba sa kanila na niloko ng lalaki na kanilang minahal ay bibigyan b anila ng second chance ang guy, sagot nila:

“Sa tunay na buhay, siguro puwede ko pa siya bigyan ng second chance, alhough mahirap talaga sa isang babae na magpatawad sa lalaking niloko ka,” katuwiran ni Glaiza.


“Siguro sa una ay mahirap pero darating din ang panahon na ang galit ay mawawala. Puwede bigyan ng pangalawang pagkakataon, pero oras na niloko ka uli ay ibang usapan na yun,” say naman ni Valerie.

Ganoon din si Mike, dapat daw ay bigyan ng second chance ang tao nagkamali para patunayan na nagsisisi at nagbago na siya sa kanyang nagawang panloloko.

“The Seed of Love” is under the supervision of GMA SVP for Entertainment Group Lilybeth G. Reasonable, VP for Drama Cheryl Ching-Sy, AVP for Drama Ali Nokom-Dedicatoria, Senior Program Manager Redgynn S, Alba and Executive Producer Michelle Robles Borja.

Tags: Glaiza de Castro, Mike Tan

You May Also Like

Most Read