SECURITY PROTOCOL KAY PBBM, ITINAAS; BANTA NI VP SARA, ‘MATTER OF NATIONAL SECURITY’

By: Victor Baldemor Ruiz

Lubhang nakababahala at hindi tama umano ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na kumontrata na siya ng assassin upang likidahin si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr , maging si First lady Liza Araneta Marcos at Speaker Martin Romualdez, kung may mangyari sa kanya.

“The National Security Council considers all threats to the President of the Philippines as serious. All threats against the life of the President shall be validated and considered a matter of national security,” ayon sa inilbas na pahayag kahapon ni National Security Adviser Eduardo Año.


Ayon kay Secretary Año , masusi silang nakikipag-ugnayan sa lahat ng law enforcement and intelligence agencies ng pamahalaan para imbestigahan ang ugat ng banta, sino ang posibleng responsible at ang kanilang motibo.

“We shall do our utmost in defense of our democratic institutions and processes which the President represents, anang Presidential Security Adviser.

Kaugnay nito, nanawagan ang Kalihim sa sambayanang Pilipino na manatiling kalmado at magtiwala na titiyakin ng security sector ang kaligtasan ng Presidente at mananatiling kinikilala at iginagalang ang Saligang Batas, ang demokratikong institusyon at ‘chain of command’.


“We underscore that the safety of the President is a non-partisan issue, and we stand united in our commitment to upholding the integrity of the office and the democratic institutions that govern our great nation,” aniya.

Magugunitang inihayag ng Malacañang na hindi nila ipinagsasawalang- bahala ang inilabas na pahayag ni VP Sara kaugnay sa pagkuha nito umano nito ng tao para patayin ang Pangulo kung sakaling mayroong pumatay sa kanya.


Bunsod nito ay itinaas na ng Presidential Security Command (PSC) ang security protocol nito kasunod ng banta ni VP Sara Duterte at ayon dito, nakikipag-ugnayan na sila sa mga law enforcement agency para matukoy, maagapan at madepensahan ang anumang banta sa buhay ng Pangulo at First Family.

Ipinag-utos na rin ni Philippine National Police chief, Police Gen. Rommel Francisco Marbil sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na imbestigahan ang banta ni Duterte.


Aniya, ang anumang banta sa buhay ng Pangulo, anuman ang pinagmulan nito, ay seseryosohin ng pamahalaan lalo kung ipinahayag sa publiko.

Nitong nakalipas na linggo ay mabilis na kumalat ang pahayag ni VP Sara sa kanyang press conference via zoom nang tanungin ito hinggil sa kanyang seguridad.

Anang bise presidente: “‘Wag kang mag-alala sa security ko kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, ‘pag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke.”



Ipinaliwanag naman ni Atty. Trixie Angeles, dating spokesperson ni PBBM na ang sinasabing banta ni VP Sara ay “baseless and sensationalized” at maituturing umano itong “hyperbolic” remark na pinalaki lamang ng mga media outlets.

Tags: Vice President Sara Duterte

You May Also Like

Most Read