Latest News

SECURITY PREPARATIONS SA LOCAL POLLS, KASADO NA — PNP

TINITIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police na handa ang kanilang mga tauhan kaugnay sa pagbibigay seguridad at pananatili ng kapayapaan oras na sumikad na ang kampanyahan para sa mga local elective post sa buong bansa.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, sinisimulan na nila ang paglalatag ng security blanket para matiyak na magiging ligtas at payapa ang pagdaraos ng kampanyahan hanggang sa matapos ang election period.

Nabatid na may mga paghahanda at pagsasanay na ginagawa ang pambansang pulis para masawata ang mga grupong maghahasik ng kaguluhan o mga pananabotahe sa panahon ng kampanyahan.


Bukod ito sa security preparation na ginagawa para sa mga lugar na itinuturing na mga hot spots at areas of immediate concerns ng COMELEC.

Sinabi pa ni Fajardo na ; “Patuloy ang ginagawang paghahanda lalong lalo na itong darating na March 25 na magsisimula na yung campaign period sa local level, binabantayan po natin yung naka lista na areas of concern, tingnan po natin kung magkakaroon ng changes at doon po magbabase ang mga gagawin nating adjustments,”

Kabilang sa mga posibleng adjustment ang deployment ng karagdagang tauhan sa ground lalo na sa mga lugar na may presensya ng terror group, mga lugar na may matinding political rivalry, may kasaysayan ng karahasan sa panahong ng eleksyon o mga lugar na sinasabing mga mga political armed groups na minamantini ng mga political warlords.

Bunsod nito nagbabala ang PNP si PNP chief General Dionardo Carlos sa mga kandidato na kukuha ng serbisyo ng mga armed goons para mang-harass ng mga kalabang kandidato o manakot ng mga botante.


Tulad ng panawagan ng Armed Forces of the Philippine, nagbabala rin ang PNP sa mga pulitiko na nakikipag sabwatan sa CPP-NPA o yung mga nagbabayad ng permit to campaign at permit to win sa New People’s Army.

Dahil maaaring magamit ng mga rebeldeng NPA ang ibibigay na salapi o armas ng mga kandidato kapalit na malayang pangangampanya sa mga liblib na lugar sa paglaban sa gobyerno ay nagbabala ang PNP na maaari silang kasuhan oras na mapapatunayan. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read