Security personnel ng Magat Salamat school, pinatay

By: Baby Cuevas

Wala nang buhay at tadtad ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nang matagpuan kahapon ng umaga ang isang security personnel ng Magat Salamat Elementary School sa Perla Street, Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PSMS Dennis Suba ng Manila Police District -homicide section, nakita ni Arnel Calma, kasamahan ng biktimang security personnel din, ang nakahandusay at duguang biktima na si Ricky Dasco, 55, ng No. 267 Patria St., Tondo, alas- 5:35 ng umaga, nang pumasok siya sa paaralan para mag-duty.

Kaagad ipinagbigay-alam ni Calma sa kanilang kasamahan na si Ronaldo Rebadeo, 50, ang nangyari kay Dasco, dahilan para tumawag si Rebadeo sa barangay, na siya namang nag-report sa MPD-hs.


Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek at posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read