SECURITY NG VIPS, PULITIKO AT POGO, SINISILIP NI PNP CHIEF AZURIN

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa PNP Civil Security Group at police regional offices na magsagawa ng accounting sa lahat ng kanilang protective agents.

Ito ay kasunod ng mga lumalabas na ulat na ilang licensed protective agents ang sangkot sa mga violent incident o krimen.


Kabilang sa hanay nito ang mga nagsisilbing bodyguard sa ilang VIPs at politiko, kasama ang mga foreigner na mayroong malalaking negosyo sa bansa.

Nabatid na bilang general rule ay saklaw o nasa ilalim ng pangangasiwa ng Special Duty Detail Order (SDDO) mula sa PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ang mga licensed protective agents na siyang nagbibigay ng authorization sa mga ito na magdala ng baril para gampanan ang kanilang tungkulin bilang bodyguard.

Ani Azurin, ang mga protection agents ay saklaw ng Authority to Deploy Protection Agents na inisyu ng CPNP na tatagal ng isang taon.


Ipinaliwanag ni Azurin na ang PNP CSG-SOSIA, katuwang ang police districts sa National Capital Regional at iba pang police regional offices, ay inaatasang magsagawa ng inspeksyon sa lahat ng private security personnel na nagsisilbi bilang mga protective agent.

Idinagdag pa ni Azurin na naglunsad ang PNP ng crackdown laban sa mga unauthorized security personnel sa mga POGO establishments na nasasangkot sa ilang ilegal na aktibidad o krimen. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

You May Also Like