Latest News

SECURITY DEPLOYMENT PARA SA UNDAS 2022 SINIMULAN NA

NAGSIMULA nang magpakalat ng kanilang mga tauhan ang Philippine National Police (PNP) para sa Undas 2022 na titiyak na magiging maayos at ligtas ang pagdiriwang ng all Saint Day at All Souls Day.

Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, nagbaba na kautusan si PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa lahat ng regional directors na maagang mag-deploy ng kanilang mga tauhan, upang matiyak ang seguridad ng publiko sa Undas.

Maliban sa mga sementeryo, mahigpit ding babantayan ng mga pulis ang simbahan at mga pasyalan o places of convergence na maaaring dagsain ng mga tao lalo na’t long weekend.


Ipinag-utos din ng National Headquarters ang maximum police presence sa mga terminal, paliparan at pantalan upang matiyak ang seguridad ng mga uuwi sa mga probinsya.

Kaugnay nito . maaga ring nagdeploy na kanilang mga tauhan sa mga pantalan ang Philippine Coast Guard (PCG) para mag-inspection sa mga sasakyan pandagat.

Ito’y bilang bahagi ng seguridad para sa kaligtasan ng mga pasahero nauuwi sa mga lalawigan ngayong Undas.

Bukod sa maritime security, tutulong din ang PCG personnel sa mahigpit na implementasyon ng health protocols para mapanatili ang kaligtasan ng publiko laban sa COVID-19.


Ayon kay Commodore Armand Balilio nasa 2,000 tauhan ang nagsimulang ng pakilusin ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read