Iginiit ni dating Health Secretary at Iloilo Rep Janet Garin sa gobyeeno na simulan na ang pagbili ng second-generation COVID-19 vaccines na magsisilbing proteksiyon laban sa Omicron variant ng coronavirus.
Ayon.kay Garin napatunayan na napaka epektibo ng second-generation COVID-19 vaccines o bivalent vaccines para hindi magkaroon ng infection ang mga indibiduwal na nabakunahan na base aa mga isinagawang clinical trials.
Ang mga naturang vaccines ay mabibili na sa mga mayayamang bansa sa Oktubre.
“This second generation COVID-19 vaccine also prevents Omicron, and we need to make this available for our people. Based on clinical trials, there was a drastic reduction of breakthrough infection at 70% to 80%. This should reach the macro population by the end of the year,” ayon kay Garin.
“Kailangan habang hinihintay natin yan, nakikipagusap na tayo [sa pagbibilhan] kasi lahat ng bansa ay mangangailangan niyan. We should reserve, pre-order [these vaccines]. We should do that now. Walang bayad ang magpareserba. Kailangan mabilis ang galaw diyan because if Filipinos will not have access to that, we will have a hard time recovering economically,” dagdag pa ni Garin.
Binigyan-diin pa ni Garin na importante na makabili ng second-generation COVID-19 vaccines dahil sa mataas na insidente na muling magkaroon ng impeksiyon ang mga fully vaccinates at nabugyan na ng booster.
Dapat rin na payagan ang mga pribadong kumpanya na makabili ng bivalent COVID-19 vaccines. (Anthony Quindoy)














