Latest News

SECOND COLLECTION PARA SA ‘CARINA’ VICTIMS, ISASAGAWA NG MANILA ARCHDIOCESE

By: Carl Angelo

Inihayag ng Manila Archdiocese na magsasagawa ito ng fundraising drive para sa mga naging biktima ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, bunsod ng Habagat at bagyong ‘Carina’.

Hinihikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mahigit 90 parokya at mission stations gn Simbahang Katoliko upang magsagawa ng ‘second collection’ sa lahat ng banal na misa, simula ngayong Sabado ng gabi, Hulyo 27 at sa buong maghapon ng Linggo Hulyo 28.

Kaugnay niyan ay hinikayat rin ni Advincula ang mga mamamayan na mag-alay ng panalangin para sa mga biktima ng bagyo.


“My heart and prayers go out to all those affected by the heavy rain and flooding,” ayon kay Advincula.

Pinasalamatan rin niya ang mga simbahan at mga tahanan na magbukas ng kanilang mga pintuan para sa mga biktima ng bagyo.


“The solidarity among Christians is deeply felt in times like these,” aniya.

“May we request our priests, consecrated men and women, and lay leaders to continue extending the compassion of the Lord Jesus to the victims, the poor, the hungry, and all those in need,” dagdag pa nito.


Tags: Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula

You May Also Like

Most Read