Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ,ang rollout ng ikalawang COVID-19 booster shot para sa senior citizens, immunocompromised individuals at frontline healthcare workers.
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na natanggap na ang ammended vaccine emergency use authorization mula sa FDA.
Ang karagdagang dose ay ibibigay apat na buwan matapos ang unang booster.
“For moderately and severely immunocompromised patients, the 2nd booster could be given earlier subject to the attending physician’s assessment. The FDA thus recognized waning immunity in the specific populations,”ayon sa ahensiya.
Nabatid na isinasaayos na ng National Vaccination Operations Center ang mga guidelines para sa pagbibigay ng second booster shot.
Napag-alamang nag-apply noong nakalipas na buwan ang DOH para sa amended EUA na magbibigay ng greenlight para sa ika-apat na doses.
Bukod diyan, hiniling na rin ng DOH sa FDA na maaprubahan ang booster shot para sa age group 12 -17. (Jaymel Manuel)