Seaman, nasawi sa hotel

By: Baby Cuevas

Patay ang isang 58 -anyos na seaman matapos na mag-collapse sa loob ng tinutuluyang hotel, kahapon ng madaling araw sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni PSMS Niño Baladjay, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Leo Clifford Diez, tybong Butuan City, Agusan del Norte at nanunuluyan sa Room 1 ng Stella Maris Building, UN Avenue corner Correa St. Ermita, Maynila.


Ayon kay Cecile Diez, misis ng biktima, alas04 ng madaling araw nang magpaalalay sa kanya ang biktima papunta sa comfort room.

Gayunman, pagpasok sa banyo ay nawalan ng malay ang biktima kaya humingi siya ng tulong sa mga staff para madala sa pagamutan ang biktima.

Isinugod naman ng Philippine Red Cross ang biktima sa Manila Medical Center pero idineklara itong dead -on -arrival.


Ayon kay Cecile, na-diagnose ang biktima noong ito ay nakasakay ng barko sa Africa nitong Pebrero 2023 na may lung cancer at nitong Hunyo , 2023 ay na-confine naman sa Manila Doctors’ Hospital dahil sa nabanggit na sakit.

Tumanggi naman si Cecile na paimbestigahan pa sa pulisya ang pagkamatay ng biktima sa paniniwalang wala namang nangyaring ‘foulplay’ at sakit ang ikinamatay ng kanyang mister.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read