HINDI nagawang makalabas ng kanilang nasusunog na bahay ang isang seaman at asawa nitong guro ng lamunin ng apoy ang buong kabahayan kamakalawa ng hapon sa Lingayen, Pangasinan.
Kinilala ang Lingayen PNP ang mag asawang biktima na sina Wendy Repato, 35, isang seafarer, at Ronaly de Guzman Repato, 31, isang public school teacher na naninirahann sa Barangay Matalava ng nasabing bayan.
Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat base sa salaysay ni Roger de Guzman, ama ni Ronaly, na naka amoy ito ng tila nasusunog sa loob ng kusina bandang alas-2:40 ng hapon.
Nagulat ito ng makitang nagliliyab na pala ang bahay base sa mga pulis.
Sinasabing hindi nakalabas ng tahanan ang mga biktima dahil natutulog sila sa loob ng kanilang kwarto.
Kasalukuyang sinisiyasat pa ang pinagmulan ng apoy ayon sa, Bureau of Fire Protection-Lingayen.














