SEAMAN AT ASAWANG GURO, NATUSTA SA NASUNOG NA BAHAY

By: Victor Baldemor Ruiz

HINDI nagawang makalabas ng kanilang nasusunog na bahay ang isang seaman at asawa nitong guro nang lamunin ng apoy ang buong kabahayan kamakalawa ng hapon sa Lingayen, Pangasinan.

Kinilala ng Lingayen-PNP ang mag-asawang biktima na sina Wendy Repato, 35, isang seafarer at Ronaly de Guzman Repato, 31, isang public school teacher na naninirahan sa Barangay Matalava ng nasabing bayan.

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat base sa salaysay ni Roger de Guzman, ama ni Ronaly, na nakaamoy ito ng tila nasusunog sa loob ng kusina bandang alas-2:40 ng hapon. Nagulat umano ito nang makitang nagliliyab na pala ang bahay.


Sinasabing hindi nakalabas ng tahanan ang mga biktima dahil natutulog sila sa loob ng kanilang kwarto.

Kasalukuyang sinisiyasat pa ang pinagmulan ng apoy, ayon sa Bureau of Fire Protection-Lingayen.

Tags: Lingayen PNP

You May Also Like

Most Read