Latest News

Sea travel, sinuspinde ng PCG sa Northern Samar at ibang lalawigan sa Visayas at Mindanao dahil kay Agaton

SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard(PCG) ang biyahe ng mga sasakyan pandagat dahil sa pananalasa ng Tropical Storm ‘Agaton’.

Ayon sa travel advisory ipinalabas ng PCG,suspendido ang sea travel sa Matnog, Sorsogon – Allen, Northern Samar na inilagay ng PAGASA sa Tropical Cyclone Wind Signal # 1.

Gayundin sa Biliran,Leyte,Soutjern Leyte at Camotes Island.


Sanhi nito,maraming pasahero ang nanatiling stranded sa mga daungan sa mga nabanggit na lalawigan.

Pinayuhan ng PCG ang publiko na manatiling nakaantabay sa ilalabas na travel advisory kaugnay kay tropical storm Agaton. (Jantzen Tan)

Tags: Philippine Coast Guard(PCG)

You May Also Like

Most Read