SEA TRANSPORT, POSIBLENG KULANGIN; 1.4M KATAO, INAASAHANG DADAGSA SA MGA PANTALAN

By: Victor Baldemor Ruiz

ILANG araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at ang nakatakdang paggunita ng Sambayanang Pilipino ng All Saints Day at All Souls Day ay pinangangambahan ang posibilidad na magkaroon ng kakulangan ng sea transport papunta at pabalik sa mga probinsiya.

Sa pagtataya ng Philippine Ports Authority (PPA), posibleng umakyat ng 1.4 million ang mga pasaherong dadagsa sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa.


Pinangangambahan na posibleng maging problema ang kakulangan ng mga sasakyang pandagat na magseserbisyo sa inaasahang pagdagsa ng mahigit sa isang milyong pasaherong bibiyahe sa nalalapit na tatlong araw na holiday.

Ito ay mula sa araw ng Barangay at SK elections sa Lunes, Oktubre 30, paggunita ng Araw ng mga Santo sa November 1 at Araw ng mga Kaluluwa sa Nobyembre 2.

Kinumpirma ni PPA General Manager Jay Santiago na nagsisimula nang dumagsa ang mga pasahero sa iba’t-ibang mga pantalan sa buong bansa ilang araw bago pa ang nalalapit na holiday break.


Kaya posible aniyang hindi mapunan ang pagdagsa ng mga pasaherosa dami ng barkong bumabiyahe.

Pinaalalahanan ni Santiago ang mga pasahero na hindi requirement at hindi na kailangang bumili pa ng insurance para lamang makasakay ng mga barko.


Nabatid na may mga nag-aalok ng insurance sa labas ng mga pantalan na nagpapakalat ng fake news na kailangang bumili o kumuha muna ng seguro bago makabiyahe ang mga pasahero.

Bukod dito ay inabisuhan din ng ng PPA manager ang publiko na i-secure muna at kumpirmahin ang booking tickets bago ang petsa ng biyahe para maiwasan ang anumang problema.


Tags: Philippine Ports Authority (PPA)

You May Also Like

Most Read