Latest News

SCHOOL BUS NA MAY SAKAY NA 49 GURO NAHULOG SA BANGIN

NAGTAMO ng mga sugat, galos, pasa at pilay ang may 49 guro ng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang service bus ng Department of Education (DepEd) sa Orani, Bataan, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat mula kay Bataan Police Director Police Col. Rommel Velasco, bandang alas 11:00 nitong Sabado ng umaga isang JAC Ankai Bus na may plakang SAA 9845 ang nagkaroon ng nagkaroon ng brake malfunction dahilan upang mawalan ito ng control at nalaglag sa bangin.

Sa salaysay ni Marcelino Oliva, 62-anyos, na siyang driver ng bus biglang nawala siya ng preno kaya hindi na niya nakontrol ang minamaneho pagsapit sa malalim na pakurbadang bahagi ng kalsada patungo sa Pagasa, Orani kaya nagtulog tulog sa bangin.

Sinasabing may 49 guro ang lulan ng nasabing bus ang sinaklolohan ng Orani Rescue Unit, Metro Bataan Development Authority o MBDA. Agad na dinala sa pagamutan ang mga sugatan. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: ,

You May Also Like

Most Read