Latest News

SCAMMER, ARESTADO SA NBI

By: JANTZEN ALVIN

Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang isang scammer na naaresto sa isang entrapment operation kamakailan sa San Fernando,Pampanga.na isinagawa ng National Bureau of Investigation -Organized and Transnational Division (NBI-OTCD).

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, sinampahan ng kasong estafa through Falsification of Commercial Document, Computer-related Identity Theft, at violations of RA No. 3720 (Food, Drug, and Cosmetic Act) as amended by RA No. 9711 (FDA Act of 2009) at RA No. 10918 (Philippine Pharmacy Act), ang suspek na si Carlos Simbul Dela Cruz.


Aniya, nag-ugat ang ang pag-aresto kay Dela Cruz sa reklamo ng Endure Medical Inc. (EMI) laban sa ilang indibiduwal na umorder ng kanilang pharmaceutical products, pero walang kabayaran na pumasok sa EMI account.

Nang alamin sa mga kinatawan ng mga kumpanya na nag-order ng pharmaceutical products, itinanggi ng mga ito na nag-order sila at natuklasan na ang mga order ay palsipikado.

Napag-alaman rin sa isang kliyente ng EMI na may nagpapakilalang kinatawan ng EMI at nagbebenta ng mga pharmaceutical products.

Nadiskubre ng NBI na ang naturang suspek ay marami nang na-scam na pharmaceutical companies.


Noong Nobyembre 6, 2024, isang order umano ang ipinasok sa account ng EMI na gumamit ng pangalan at larawan ng isang EMI personnel at nang tanungin ang proof of payment, ipinadala nito ang screenshot ng isang online payment, pero wala namang pumasok na pera sa account ng EMI.

Kaagad nagsagawa ng entrapment operation ang NBI kung saan kinontrol ang delivery sa produkto na ini-order.

Isang poseur-delivery rider ang inatasan na magddeliver ng package sa Genesis Bus Transport at ipinadala ang produkto sa San Fernando, Pampanga.

Noong Nobyembre 9,2024 ng umaga, kinuha ng suspek ang mga kahon ng produkto at inilagay sa kanyang sasakyan.


Dito na siya nilapitan ng mga ahente ng NBI at saka inaresto.

Tags: National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Division (NBI-OTCD)

You May Also Like

Most Read