SC spokesman, hinirang na chairman ng GCG

By: Anthony Quindoy

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang Commissioner ng Governance Commission for GOCCs (GCG) si Supreme Court spokesman at Assistant Court Administrator Brian Keith Hosaka.

Nabatid na si Hosaka ay nagsilbing spokesman sa ilalim ng tatlong SC Chief Justice na sina Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at ngayon ay Chief Justice Alexander G. Gesmundo.

Sa panahon ng paninilbihan ni Hosaka ay naging maayos ang pagpapalaganap ng impormasyon sa korte at kanilang mga aktibidad.


Sa kanyang panunungkulan, ang SC PIO ay nakapaglunsad ng upgraded SC website,nagkaroon ng access ang publiko sa SC e-Library ng libre matapos ang 15 restricted access.

Sa pamumuno rin ni Hosaka, nakapagbigay ito ng mga COVID-19 Court issuances, gabay at update sa mga court users.

Sa panahon rin ni Hosaka ay nagamit ang opisyal na twitter account ng SC para makapagbigay ng impormasyon kaugnay sa korte.

Napag-alaman na si Hosaka ay nag-aral sa Ateneo de Manila University, mula elementarya hanggang sa law school, kung saan niya natamo ang kanyang Juris Doctor degree noong 1998.


Noong makapasa sa 1998 Bar Examinations, nagtrabaho siya bilang law clerk sa SC at nagsilbi sa ilalim ni associate justice Josue N. Bellosillo.

Bago naman naitalaga na PIO Chief ng SC ,kasama niyang binuo ang Paner Hosaka & Ypil Attorneys-at-Law at naging Deputy General Counsel ng Integrated Bar of the Philippines.

Tags: upreme Court spokesman at Assistant Court Administrator Brian Keith Hosaka

You May Also Like

Most Read