SC, PINIGIL ANG PAGLIPAT NG PHILHEALTH FUNDS

By: Victor Baldemor Ruiz

By: JANTZEN ALVIN

Nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) upang pigilan ang paglilipat ng “surplus funds” mula sa government-owned and -controlled corporations, kabilang na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), patungo sa national treasury.

Ang TRO ay inisyu ng SC sa ginanap na en banc hearing nitong Oktubre 29 bilang tugon sa petisyon na pigilin ang paglilipat ng pondo.


Pinag-isa na ng SC ang lahat ng petisyon na kumukuwestiyon sa ligalidad ng paglilipat ng P89 bilyon pondo sa national treasury.

“The Supreme Court issued a temporary restraining order to enjoin the further transfer of PhilHealth funds to the National Treasury,” ani SC spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting.



Kaugnay nito,nanguna sa pagsasampa ng ikatlong petisyon sina dating Senior Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, Fr. Robert Reyes, 1Sambayan Coalition at ang Kidney Foundation of the Philippines .

Sa ilalim ng petisyon, hiniling nila na mapawalang- bisa ang “paragraph 1(d), Chapter XLIII of Republic Act No. 11975, also known as the General Appropriations Act (GAA) of 2024, and Department of Finance Circular 003-2024” na inisyu noong Pebrero 27,2024 dahil sa paglabag umano sa 1987 Philippine Constitution.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like