SC, PINAYAGANG LITISIN ANG PDAF CASE NI ENRILE

By: Philip Reyes

Binigyan ng go signal ng Supreme Court (SC) En Banc ang Sandiganbayan na litisin ang kaso ni dating Senador Juan Ponce Enrile na may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Napag-alamang pinayagan rin ng SC ang prosecution na magprisinta ng ebidensiya alinsunod sa batas.


Iginiit ng SC En Banc sa desisyon isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh na pinayagan ng Sandiganbayan na litisin ang kasong plunder ni Enrile.

Napag-alaman na noong 2014 ay kinasuhan ng Ombudsman sina Enrile, Jessica Lucila Reyes, Janet Lim Napoles, Ronald John Lim at John Raymund de Asis ng kasong plunder kaugnay sa PDAF ni Enrile.

Naghain si Enrile ng “Motion for Bill of Particulars ” sa Sandiganbayan.


Sa naturang motion ay pinapayagan ang akusado na humiling para sa tukoy na detalye sa prosekusyon para mapaghandaan nang maayos ang trial.

Ibinasura ng Sandiganbayan ang motion ni Enrile kaya;t naghain ito ng petisyon sa SC .


Sa inilabas na desisyon ng SC noong Agosto 15, 2015 ay inatasan nito ang prosekusyon na magsumite ng ” Bill of Particulars ” kaugnay sa ilang items sa motion ni Enrile at napatunayan ng SC na sa “request information,” ang ilan ay kailangan at ang iba naman ay hindi na mahalaga.

Kaugnay niyan ay tumugon naman ang prosecution at nagpatuloy ang proceedings sa Sandiganbayan.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like

Most Read