By: JANTZEN ALVIN
INIATAS ng Supreme Court (SC) ang pagpapalawig ng suspensiyong ipinataw kay Pasay City Regional Trial Court Branch 108 Judge Albert Cansino at Officer-in-Charge at Acting Clerk of Court Mariejoy Lagman na una nang isinangkot sa P6 milyon na bribery case.
“The court adopted the recommendation of the Judicial Integrity Board(JIB) and extended their preventive suspension while the investigation is pending, ” pahayag ng SC.
Una nang pinatawan ng SC ng preventive suspension ang dalawa matapos akusahan na tumanggap ng P6 milyong suhol kapalit ng paborableng judgement sa isang civil case.
Ang dalawa ay inaresto sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation( NBI) matapos na makatanggap ng isang anonymous tip ang JIB.














