Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang dismissal ng isang bus driver na sangkot sa multiple road accidents.
Ayon sa desisyon ni Associate Justice Justice Henri Jean Paul B. Inting, napatunayan ng Supreme Court En Banc na balido ang pagsibak kay Marcelino Lingganay ng kanyang employer na Del Monte Land Transport Bus Company,
Inc. (DLTBCo.).
Si Lingganay ay kinuha ng kumpanya noong 2013 bilang bus driver at ito ay nasangkot sa aksidente sa isang pedestrian kung saan inareglo ito ng kumpanya, bukod pa sa kinasangkutan nitong aksidente noong 2016 at 2017 kung saan kapwa din ito inareglo ng kumpanya.
Sanhi ng mga kinasangkutang aksidente ni Lingganay ay tinanggal ito sa kanyang tungkulin ng kumpanya dahil sa paglabag sa company rules laban sa reckless driving at gross negligence, na nagresulta sa injuries at pagkasira ng ari-arian.
Kinuwestiyon ni Lingganay ang ginawang pagsibak sa kanya at nagsampa siya ng reklamo sa Labor Arbiter at National
Labor Relations Commission na umabot sa Court of Appeals na nagpatibay sa kanyang dismissal.
Dahil diyan ay isinampa niya ang usapin sa SC pero muling pinagtibay ng Mataas na Hukuman ang desisyon ng CA.














