Nagdesisyon ang Supreme Court (SC) na pagtibayin ang hatol na reclusion perpetua sa child pornographer na babae na ibinugaw ang kanyang anim na anyos na pamangkin online noong 2016.
Bukod sa nabanggit na hatol, inatasan rin ang akusado na si Luisa Pineda na magbayad ng P2 milyon na multa at P300,000 civil damages sa biktima.
Ayon sa SC en banc, ang nabanggit na hatol ay dapat na magsilbing babala sa sinumang mapapatunayag nang-aabuso sa kabataan.
Napag-alamang ibinasura ng SC en banc sa pamamagitan ni Associate Justice Mario V. Lopez ang apela ni Pineda na unang hinatulan Regional Trial Court (RTC) at ng Cour of Appeals sa kasong “child pornography qualified with the use of a computer system”.
Ang pagsasampa ng kaso kay Pineda ay nag-ugat sa impormasyon ipinadala ng Federal Bureau of Investigation of the United States of America at sa isinagawang surveillance ng Philippine National Police (PNP) Anti-Trafficking in Persons Division sa bahay ni Pineda.
Sa isinagawang operasyon,nakumpiska sa bahay ni Pineda ang computer at cellphone na may hubad na larawan ng kanyang pamangkin na ipinaalaga sa kanya ng kapatid matapos na makipaghiwalay sa kanyang asawa.
Sa naturang operasyon ay nasagip rin ang tatlong menor de edad na itinurn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Napag-alaman na inaatasan ni Pineda ang paslit na pumasok sa kuwarto, pinaghuhubad at pinatatayo sa harap ng computer na may webcam at ang pribadong ari ay ipinakikita sa isang matandang lalaki.
Kinunan pa umano ni Pineda ang bata sa dalawang okasyon kung saan inutusan ito na hawakan ang kanyang ari.
Nang maaresto si Pineda, sinampahan ito ng kasong paglabag sa Sections 4(a), (b), and (c) of Republic Act No. (RA) 9775 or the Anti-Child Pornography Act of 2009, in relation to Section 4(c)(2) of RA 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012.
Napatunayan ng Mababang Hukuman na guilty si Pineda kaya umapela ito sa Court of Appeals na pumabor din sa nasabing desisyon.














