SC, PINAGTIBAY ANG HANGGANG 8 TAONG HATOL SA 2 PULIS-HULIDAP

By: Jaymel Manuel

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang naunang hatol ng Mababang Hukuman at Court of Appeals (CA) na tatlong taon, anim na buwan hanggang 20 araw hanggang walong taon at walong buwang pagkabilanggo laban sa dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nang-hulidap ng isang negosyante noong 2013.

Ayon sa desisyon ng SC 2nd division na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, walang nakitang pagkakamali sa naging hatol ng korte laban kina PO2 Ireneo M. Sosas, Jr. at SPO3 Ariel D. Salvador.


Sa record ng korte, napag-alaman na inaresto ng mga akusado si Janith Arbuez, nagtitinda ng cellphone sa may Isetann Mall, dahil sa pagbebenta umano ng mga nakaw na sa cellphone.

Dinala sa presinto si Arbuez at doon hiningan ng P20, 000 kapalit ng hindi na pagsasampa ng demanda laban sa kanya.

Nangutang naman si Arbuez sa kanyang hipag at ibinigay sa pulis at kinabukasan ay pinalaya na ito at hindi na sinampahan ng anumang kaso.


Kasunod nito, sinampahan naman ng kasong robbery-extortion ni Arbuez ang dalawang pulis at matapos ang pagdinig ng korte ay napatunayang guilty sa nabanggit na kaso sina Sosas at Salvador.

Bukod sa hatol ay inatasan rin ng SC ang mga akusado na bayaran ang biktima ng P20,000 sa actual damages.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like