SC, PINAGTIBAY ANG 18-TAONG KULONG SA TIYUHING MAMBOBOSO

By: Jaymel Manuel

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang naunang hatol ng Court of Appeals (CA) at Regional Trial Court na hanggang 18 taong pagkabilanggo laban sa isang lalaki na inireklamo ng kanyang tatlong pamangkin ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9995, o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Kinukunan umano ng video habang binobosohan ng akusadong si Richard Castillo ang kanyang tatlong pamangkin noong 2016, dahilan para siya ay kasuhan ng mga ito.

Anila, tuwing maliligo ang mga pamangkin ay palihim na kinukunan ng video ng akusado at binobosohan ang mga nakahubad na biktima.


Bukod sa nabanggit na hatol ay inatasan rin ang akusado na magbayad ng multa na P900,000 at P90,000 para sa moral at exemplary damages.

Nabuking ng isa sa mga biktima ang ginagawa ng akusado nang maghinala itong may nanonood sa kanya habang naliligo siya at nang tingnan ay nakita nga nito ang akusado.

Nang tingnan ang cellphone nito ay nadiskubre ang video ng mga nakahubo at nakahubad na pamangkin habang naliligo.

Ginagawa umano ng akusado ang pamboboso sa isang butas na tinatakpan ng” soap case”.


Madalas umanong nasa bahay ng mga biktima ang kanilang tiyuhin dahil kabilang ito sa apat na construction workers na nagsasagawa ng renovation sa kanilang bahay.

Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like

Most Read