Inihayag ng Supreme Court (SC) na dapat ipatupad ang ruling na nag-aalis sa Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa kabila ng nakabinbin ang apela sa desisyon ukol dito.
Ayon kay SC spokesperson Camille Ting, ang desisyon ng SC na hindi bahagi ng BARMM ang Sulu ay dapat na kaagad ipatupad.
“Immediately executory means that the decision should be fully implemented despite the pending motion for reconsideration. There would be no reason for the Court to say it was immediately executory if it intended otherwise,” ani Ting.
Napag-alaman na noong nakalipas na.linggo ay hiniling ng Bangsamoro government sa SC na.isama ang lalawigan ng Sulu sa Bangsamoro Region.
Sanhi ng nakabinbing mosyon,nanatili na ang Sulu ay kasama sa BARMM kaya may alokasyon pa itong budget.
Ang BARMM ay nakatakdang magdaos ng kanilang unang parliamentary elections sa Mayo 2025 at hindi umano makikilahok ang Sulu dahil sa desisyon ng SC.
Ayon pa sa Commission on Elections (Comelec), may kabuuang 109 aspirante at anim na regional political parties ang naghain ng certificates of candidacy (COCs) sa unang Bangsamoro elections sa Mayo 2025.