ANG Republic Act No. 9262, o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Anti-VAWC Act) ay nagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan laban sa pang-aabuso mula sa kanilang partner lalaki man o tomboy.
Ito ang paglilinaw na ginawa ng Supreme Court (SC) matapos umanong maglabas ng “unanimous’ decision ang mga mahistrado ng SC na ang nabanggit na batas ay maaring i-apply maging sa lesbian o gay relationship.
Sa desisyong isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, ibinasura ng Court En Banc ang petisyon ni Roselyn Agacid na inakusahan ng physical violence ng kanyang partner nang may apat na taon at isa ring babae .
Si Agacid ay sinampahan ng. kasong paglabag sa Republic Act No. 9262, na kanyang ipinababasura sa korte dahil siya ay isa ring babae at ang naturang batas umano ay para sa mapang-abusong lalaki at hindi sa babae.
Ang naturang argumento ni Agacid ay ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court at sinabi rin ng Court of Appeals (CA) na walang abuse of discretion na nagawa ang Mababang Hukuman.
Ayon sa SC, ang batas ay para sa proteksiyon ng mga kababaihan at mga bata maging ang akusado man ay lalaki o babae basta sila ay may relasyon.