Latest News

SC gagamit ng bangka at habal-habal

By: Jaymel Manuel

Pinag-aaralan ng Supreme Court (SC) ang paggamit ng mga bangka at maging habal-habal para marating ang mga malalayong lugar sa bansa para makapagdaos ng pagdinig gamit ang internet.

Ayon kay SC Chief Justice Alexander Gesmundo, isa ito sa kanilang binabalak bilang hakbang para mapababa ang mga nakatambak na kaso sa mga korte at makapagbigay ng hustisya.

Napag-alaman na nagsagawa na rin ang SC ng “pilot testing” kamakailan kung saan naging matagumpay ang “videoconferencing bus” sa malayong lugar sa Cotabato.

Nabatid na pinangunahan ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier ang “proof of concept” ng bus sa Brgy. Bagsak, Magpet, Cotabato, na may 30 kilometro ang layo sa pinakamalapit na trial court noong Nobyembre 30.

Sinabi ni Gesmundo na sa paggamit ng bangka at habal-habal, maaaring marating ang mga isolated na isla at mga bulubundukin para sa mga testigo na walang kakayanan na makapunta sa mga trial courts.

Sinabi ni Gesmundo na marami pang pagbabago sa teknolohiya ang SC para matiyak ang paghahatid ng hustisya sa buong bansa nang walang maiiwan.

Tags:

You May Also Like

Most Read