Muling napatunayan ng Supreme Court En Banc na ‘guilty’ si Lorenzo Gadon sa bagong kasong gross misconduct dahil sa kasong perjury at pag- aakusa base sa “tsismis’.
Ang reklamo ay unang isinampa sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) na humihiling ng disbarment ni Gadon dahil sa kanyang maling alegasyon sa isang impeachment complaint na isinampa nito sa pinatalsik na Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa House of Representatives (HOR).
Nalpag-alaman na si Gadon ay inakusahan ng paghahain ng walang basehan na criminal cases laban sa ilang SC officials.
Inirekomenda ng IBP -Committee -on Bar Discipline matapos ang imbestigasyon, na suspindihin ng dalawang taon si Gadon matapos malaman na nagsinungaling ito “under oath” nang sabihin nito na pinalsipika ni Sereno ang isang SC temporary restraining order (TRO).
Ang IBP – Board of Governors (IBP-BOG) ay itinaas sa tatlong taon ang suspension.
Gayunman, dahil “disbarred” na si Gadon ay hindi na ito muling ipinataw ng SC pero ang bagong hatol ay itatala sa kanyang personal file at pinatawan din ito ng multa na P150,000 at hindi na umano karapat-dapat na mabigyan ng judicial clemency.
Lumabas sa imbestigasyon na alam ni Gadon na wala siyang personal na kaalaman o anumang hawak na dokumento para suportahan ang kanyang alegasyon laban kay Sereno.
“The Court thus ruled that Gadon violated Canon II, Section 11 of the Code of Professional Responsibility and Accountability,”ayon sa SC.