Latest News

SC, DINISBAR NANG TULUYAN ANG ABOGADONG SUSPENDIDO DAHIL SA TALBOG NA TSEKE

By: Jaymel Manuel

DINISBAR na ng Supreme Court (SC) o itiniwalag sa listahan ang isang abogado na una nang sinuspinde matapos na mag-isyu diumano ng dalawang talbog na tseke at mabigo itong bayaran ang kanyang pagkakautang.

Ayon sa Per Curiam Decision, ng Supreme Court En Banc napatunayan na si Atty. Elerizza A. Libiran-Meteoro ay ‘guilty’ umano sa kasong gross misconduct, dahilan para ito ay ma-disbar at patawan ng P35,000 na multa.

Lumilitaw sa rekord ng SC na noong 2013 ay nag-isyu si Atty. Libiran-Meteoro ng postdated checks sa Maliliw Lending Corporation para sa isang personal loan.

Nang i-deposito ang mga tseke ay hindi umano ito tinanggap dahil sa saradong account at kawalang pondo.

Nadiskubre din umano ni William S. Uy , kinatawan ng Maliliw Lending na si Atty. Libiran-Meteoro ay suspendido ng anim na buwan sa pagsasanay ng batas dahil sa kasong gross misconduct.

Nang tinawagan umano nu Uy ang abogado ay hindi umano siya sinasagot nito, dahilan para di mabayaran ang utang sa kanya na umabot sa P245,000.

Inaksyunan naman ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Commission on Bar Discipline (CBD) ang reklamo laban kay Atty. Libiran-Meteoro na sinuspinde ng isang taon at pinabayaran ang utang na P245,000.

Napag-alaman na ini-adopt ng IBP Board of Governors (BOG) ang findings ng IBP CBD pero tinanggal ang kautusan na bayaran ang utang dahil didinggin umano ito sa hiwalay na civil action.

Dinagdagan ng IBP-BOG ng P15,000 ang multa dahil sa kabiguan ng abogado na maghain ng pleadings at di pagdalo sa mandatory conference sa kabila ng mga notice.

Tags:

You May Also Like

Most Read