SC CJ Gesmundo, nagbabala sa publiko

Nagbabala sa publiko si Supreme Court (SC) kaugnay sa isang indibidwal na nagpapanggap na si Chief Justice Alexander Gesmundo.

Ayon sa SC, gumagamit ang nabanggit na indibidwal ng mobile number +63 955 207 3094.

Inabisuhan ng SC ang publiko na balewalain na lamang ang anumang mensahe na ipinadadala mula sa nabanggit na mobile number.


Nakipag-ugnayan na ang SC sa National Bureau of Investigation (NBI) para ito ay maimbestigahan at matukoy kung sino ang nagpapanggap na CJ Gesmundo. (Anthony Quindoy)

Tags: Chief Justice Alexander Gesmundo

You May Also Like

Most Read