Latest News

SAUDI NATIONAL PINATAY, ANGGULONG ROBBERY O LOVE TRIANGLE SINISILIP

HAWAK na ngayon ng mga pulis ang dalawa sa sinasabing tatlong suspek na nagnakaw at pumatay sa isang Saudi Arabian national sa Butuan City nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay PNP Police Regional office 13 Director, Police Brig. General Romeo M. Caramat, sa mabilis na pagresponde ng Butuan City Police Station ay nadakip ang dalawang suspek na kinilalang sina Edward Lauron Auman, 37 taong gulang ,may live-in partner, at Emiliano Demit Bati-On, Jr, 23 anyos, may kinakasama at kapwa residente ng n Barangay San Vicente.

Naaresto ng pulisya noong Linggo ang dalawa sa tatlong suspek na sangkot sa pagnanakaw at pagpatay sa 70-anyos na si Ahmed Yousef Aljamaa, naninirahan sa Purok-14, Upper Mandacpan, Brgy. San Vicente, Butuan City.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng tawag noong gabi ng Sabado tungkol sa pagnanakaw sa isang apartment sa Barangay San Vicente.

Nang puntahan ang apartment, nadatnan umano ng mga pulis ang duguan na bangkay ng biktima sa loob ng isang kuwarto. Nakita rin doon ang fiancée ng biktima na kinilalang si Nerylyn Albay Silao, na nakatali, pati ang kapatid nitong menor de edad.

Ayon sa pulisya, nagtamo ng sugat sa leeg ang banyaga, na maaaring sinaksak ng mga suspek.

Kinuha umano sa mga biktima ang 4 na cellphone at pera.

Inaalam din ng mga imbestigador kung talagang pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang sa banyaga base sa mga nakalap nilang impormasyon.

Sinasabing . bago ang krimen , nauna nang nakatanggap ng banta sa buhay ang banyagang biktima mula sa dati niyang fiancée na may mangyayaring masama sa kaniya kapag kinasal siya sa ibang babae, ayon sa pulisya.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at tinutugis ang natitirang suspek.

“As one of the directives of our CPNP PGEN DIONARDO B CARLOS, PRO13 has been tenacious in its fight against criminality here in Caraga. PNP Caraga is presently conducting a hot-pursuit operation on the remaining suspect. Heinous acts like these will never be overlooked, for we, your law enforcement officers, will pursue without fear or favor to deliver justice to the victims,” pahayag ni Gen. Caramat.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong robbery with homicide laban sa dalawang nahuling suspek. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read