Nakadapa nang matagpuang walang buhay kamakalawa ng gabi ang isang 56-anyos na negosyanteng Saudi Arabian national sa loob ng comfort room ng tinutuluyang condominium, sa A.Mabini St., .Malate, Maynila.
Kinilala ni PSSg Irene Jay Manalili ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si Mohammad Abdullah Arkook, nanunuluyan sa Unit 23 ng Building sa 151 A. Mabini St., Malate.
Sa imbestigasyon,alas -11:52 ng gabi nang matagpuang walang buhay ang biktima sa loob ng comfort room ng kanyang unit, kung saan wala itong saplot pang-itaas at nakatapis lamang ng tuwalya sa ibaba.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima alas-5 ng umaga na nagdadasal sa mosque noong Pebrero 26.
Napag-alaman na alas- 8 ng gabi ay hindi na sumasagot ang biktima sa tawag ng kanyang secretary na si Noraya Galman kaya pumunta sa tinutuluyan ng biktima at humingi ng tulong sa administrator ng condominium.
Wala naman anumang sugat na nakita sa katawan ng biktima. Dinala ang bangkay sa punerarya para sa awtopsiya.